Nhoie Gee's Twitter Updates

Nhoie Gee 2010 Chat

Saturday, August 28, 2010

MEGAN YOUNG FOR BINIBINING PILIPINAS?


Megan Young Finally Speaks Up
By: Nhoie Gee



Matapos ang pagkapanalo ni Maria Venus Raj bilang Miss Universe 4th Runner Up noong Martes sa Las Vegas, Nevada, agad na napa isip ang mga Pinoy pageant fans kung sino ang maaring ipadala ng ating bansa sa Miss Universe 2011 upang maging kinatawan ng ating bansa sa kompetition na ito at susunod sa yapak ni Venus Raj.



Maingay sa pageant fans ang dating StarStruck Alumna na si Megan Lynne Young na ngayon ay isa ng kapamilya at naging official celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 ng ABS-CBN. Sa ngayon sya na ang pinakabagong VJ ng Channel [V] Philippines.




Nakikitaan ng maraming pageant fans ang kakayahan ni Megan Young para maging kinatawan ng ating bansa sa mga International Pageants lalo na sa Miss Universe. Laman ang pangalan nya ng iilang pageant forums tulad ng Missosology.Org at maging ng Facebook. Ang iilang pageant fans ay gumawa pa ng pages sa Facebook para kay Megan tulad ng "Megan Young Should Join Bb. Pilipinas 2011" at ng "Megan Young for Bb Pilipinas 2011"


Noong nakaraang taon ay natanong ko na sya kung sya ba ay intrisado sa pagsali sa Bb. Pilipinas at ito ang naging sagot nya.

"Hi Nhoie Gee..Thank you :) I have been thinking about it for a while but I still haven't made a decision yet. I still think I'm too young and immature to join such a contest. But thanks again for the head up;)"

At matapos makapasok si Venus sa Top 5 ng Miss Universe 2010 ay natanong ko sya ulit kanina kung naiba na ba ang kanyang desisyon at kung intrisado na syang sumali sa Bb. Pilipinas sa susunod na taon. Ito ang kanyang naging sagot.


"Hi Nhoie!

I'm still not sure about that. I'm really busy with work now, plus I'm going back to school in Benilde next term. I want to keep my focus on that as of now. Anyways, bata pa naman ako. I still have a few more years to think about and get ready for that. May nag aalok din sakin sa ganyan and pinag aattend na ako ng training. But as of now, work and school muna ako. We'll see:)"

Si Megan Young ay 20 years old lang. Nabanggit ko sa kanya na mas mabuting unahin nya muna ang kanyang pag-aaral at pag nakatapos na sya ay pwede na syang sumabak sa beauty contest at sumali ng Bb. Pilipinas pag sya ay handa na. Hindi nya sinasara ang anumang pinto at handa syang sumabak sa beauty pageant sa tamang oras at panahon.

5 comments:

  1. ok lng..mas maganda ung super handa na xa..hnd ung sasali xa dhil napilitan...go megan...ok na cguro pag 22 or 23 kna...bsta try mo sumali kc sayang tlga...take care..thanks nhoie,..

    -it's pj from misso..=)

    ReplyDelete
  2. Mas mabuti na ung pinaghahandaan nya ang pagsali sa BBP be it next year or the year after. Im sure by the time na makapg decide n sya to join eh wala ng hahadlang at makakapigil pa s knyang desisyon. you still have a long way to go, Megan and we will be here to support u of ur decision.
    Goodluck to ur studies and ur blossoming career.

    ReplyDelete
  3. wow at least shes thinking about it and shes open to it..pero ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyo, si megan na ang susunod na pinay miss u! Nakikitaan ko sya ng aura ni ximena navarrete at natalie glebova..so its ok megan no need to hurry naman eh. At least kampante na kami na may plans ka na pala of joining in the future. Pero just in case sumali ka na next year hinding hindi kami mag-cocomplain hehe. God bless u megan. Thanks a lot nhoie for this wonderful article si journalist ito of misso hehe.

    ReplyDelete
  4. i hope she'll join...sayang height and beauty, she's smart too.

    ReplyDelete
  5. she's a perfect pilipina beauty.

    ReplyDelete