Nhoie Gee's Twitter Updates

Nhoie Gee 2010 Chat

Tuesday, August 31, 2010

Nursing grad commits suicide after failing board exam (By Jenel Baclay, ABS-CBN Iloilo)

Nursing grad commits suicide after failing board exam
By Jenel Baclay, ABS-CBN Iloilo

MANILA, Philippines - A nursing graduate who failed the 2010 board examination committed suicide inside their home in Leon town, Iloilo province, Sunday morning.

Riza Joy Callada's parents told police they found the 21-year-old nursing graduate hanging in her room with a blanket wrapped around her neck.

Police said Riza Joy's father, Nicolas, revealed that their daughter asked them repeatedly what they would feel if she failed the 2010 nursing board examination.

The nursing graduate's father said he and Riza Joy's mom would always reassure their daughter that if she fails, she could just simply take the board examination again until she passes.

Police believe Riza Joy committed suicide after failing the licensure exam.

Riza Joy's family has asked the police to conduct autopsy on her body.

The licensure examinations' results were released last Friday (August 28).

The Professional Regulatory Commission (PRC) said more than 90,000 nursing graduates took the licensure examination, but only 37,679 passed.


Visit www.abs-cbnnews.com/

http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/08/31/10/nursing-graduate-hangs-self-death

Sunday, August 29, 2010

Mo Twister tinawag ang sagot ni Venus Raj na PALPAK!

Mo Twister tinawag ang sagot ni Venus Raj na PALPAK!
By Nhoie Gee:



Kaninang hapon sa Paparazzi ng TV5 ay nagbigay ng mga opinion ang mga host ng programang ito sa ibat ibang issue sa nakalipas na linggo sa unang bahagi ng kanilang programa. Unang una nilang napag usapan sa unang issue na nakalagay sa First Frame ang tungkol sa pagkapasok at pagkapanalo ni Maria Venus Raj sa Miss Universe 2010 bilang 4th runner up at ang pagpanaw ng matalik na kaibigan ni Venus na si 2009 Bb. Pilipinas International Melody Gersbach na lubos na dinamdam ng beauty queen.

Napag tuunan ng pansin ng mga Host ang "Major Major" na sagot ni Venus sa kanyang final question interview sa Miss universe 2010.

"What is one big mistake that you have made in your life and what did you do to make it right?”

Ito ang itanong sa kanya ng Hollywood actor na si William Baldwin sa final question and answer portion ng beauty pageant.


At ito naman ang kontrobersyal na sagot ni Venus Raj sa katanungan na iyon.

“Thank you so much sir for that wonderful question. Good evening ladies and gentlemen. Good evening Las Vegas! You know what sir in my 22 years of existence I can say there is nothing major major, I mean problem that I have done in my life because I am very confident with my family with the love that they are giving to me. So thank you so much that I am here!”



Nang nagbigay na ng komento ang nasabing mga host ng programa ay agad na nasabi ni Mo Twister ang katagang "Palpak" ang sagot ng beauty queen at hindi naaayon para sa katanungan ng Hollywood star na si Baldwin.

Agad naman ipinagtanggol ng isa pang host ng programa na si Ruffa Guttierez ang kapwa nya beauty queen na si Raj.

"Sa totoo lang. Walang tama or maling sagot para sa tanong na yun. Based kasi sa past experiences mo ang magiging sagot", pagtatanggol ni Gutierrez.

Masasabi ko na tama ang sinabi ni Ruffa. Walang mali at walang tamang sagot sa katanungan na ito. Maaari nating sabihin na kinabahan nga si Venus ng maitanong sa kanya ang tanong na iyon ngunit sinabi nya lang ang totoong nararamdaman nya at sinagot ang tanong ng tapat at derecho. Pero hindi natin masasabing "PALPAK" ito tulad ng nabanggit ng host na si Mo Twister.

Pagkauwi ng bansa ni Venus galing Las Vegas ay paulit ulit na itananong sa kanya kung maaari bang mabago na ang kanyang sagot matapos nyang mapag isipan ang tamang sagot sa katanungan na iyon. At ayos kay Venus ay ganun parin ang kanyang isasagot dahil wala talaga syang "Major" na pagkakamali sa buhay.

Naitanong din sa kanya kung bakit na doble nya ang salitang "Major" ng sagutin nya ang tanong ni Baldwin.

Ang sabi ng beauty queen ay aminado sya na kapag nasa stage na sya ay hindi nya na alam ang kanyang mga sinasabi at nasabi nya na iyon ay isa sa kanyang kahinaan.

Para sa akin, sapat at sobra pa ang ibinigay ni Venus para sa karangalan ng ating bansa. Matapos ang sampung taon ay ngayon nalang ulit nakapasok sa semi finals at sa finals ang ating bansa sa Miss Universe mula ng manalo si Miriam Quiambao bilang 1st Runner up noong 1999 sa pageant na ito sa Trinidad and Tobago.


Kaya Maria Venus Raj, MABUHAY KA!

Saturday, August 28, 2010

MEGAN YOUNG FOR BINIBINING PILIPINAS?


Megan Young Finally Speaks Up
By: Nhoie Gee



Matapos ang pagkapanalo ni Maria Venus Raj bilang Miss Universe 4th Runner Up noong Martes sa Las Vegas, Nevada, agad na napa isip ang mga Pinoy pageant fans kung sino ang maaring ipadala ng ating bansa sa Miss Universe 2011 upang maging kinatawan ng ating bansa sa kompetition na ito at susunod sa yapak ni Venus Raj.



Maingay sa pageant fans ang dating StarStruck Alumna na si Megan Lynne Young na ngayon ay isa ng kapamilya at naging official celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 ng ABS-CBN. Sa ngayon sya na ang pinakabagong VJ ng Channel [V] Philippines.




Nakikitaan ng maraming pageant fans ang kakayahan ni Megan Young para maging kinatawan ng ating bansa sa mga International Pageants lalo na sa Miss Universe. Laman ang pangalan nya ng iilang pageant forums tulad ng Missosology.Org at maging ng Facebook. Ang iilang pageant fans ay gumawa pa ng pages sa Facebook para kay Megan tulad ng "Megan Young Should Join Bb. Pilipinas 2011" at ng "Megan Young for Bb Pilipinas 2011"


Noong nakaraang taon ay natanong ko na sya kung sya ba ay intrisado sa pagsali sa Bb. Pilipinas at ito ang naging sagot nya.

"Hi Nhoie Gee..Thank you :) I have been thinking about it for a while but I still haven't made a decision yet. I still think I'm too young and immature to join such a contest. But thanks again for the head up;)"

At matapos makapasok si Venus sa Top 5 ng Miss Universe 2010 ay natanong ko sya ulit kanina kung naiba na ba ang kanyang desisyon at kung intrisado na syang sumali sa Bb. Pilipinas sa susunod na taon. Ito ang kanyang naging sagot.


"Hi Nhoie!

I'm still not sure about that. I'm really busy with work now, plus I'm going back to school in Benilde next term. I want to keep my focus on that as of now. Anyways, bata pa naman ako. I still have a few more years to think about and get ready for that. May nag aalok din sakin sa ganyan and pinag aattend na ako ng training. But as of now, work and school muna ako. We'll see:)"

Si Megan Young ay 20 years old lang. Nabanggit ko sa kanya na mas mabuting unahin nya muna ang kanyang pag-aaral at pag nakatapos na sya ay pwede na syang sumabak sa beauty contest at sumali ng Bb. Pilipinas pag sya ay handa na. Hindi nya sinasara ang anumang pinto at handa syang sumabak sa beauty pageant sa tamang oras at panahon.