Somewhere Down The Road
CHARACTERS: Justin and Ashley
“Magpapakamatay kaba?! Vous etes stupide! Wag mo kong idamay sa mga kalokohan mo! Kung pinoy ka lang..Mababanatan kita kahit babae ka eh.Bwiset!!!”, pasigaw na sinabi ni Justin sa babaeng kamuntikan nyang mabundol sa isang kalye sa Paris, umaga ng pasko, dahil sa hindi tamang pagtawid ng dalaga.
“Ay! Winner ka te! Ang taray ng lola mo! Bastos! Bakla! Inggeterang beki! Che!”, ganti ni Ashley . Isang Mestisang Pinay na kasalukuyang nasa Paris para magbakasyon. Nagmamadaling umalis si Ashley papalayo sa binata. Samantlang laking gulat naman ni Justin ng malaman nyang Pilipina pala ang dalaga.
Si Ashley ay labing-limang taong gulang at nagtratrabaho bilang modelo sa Pilipinas. Sa kabila ng mala anghel na mukha ng dalaga ay hindi sya pinalad na magkaroon ng isang seryoso at tapat nobyo sa buong buhay nya. Ang huli nyang nobyo na akala nyang makakasama na nya sa buhay ay namatay sa isang sakit, isang taon na ang nakakaraan. Si Justin naman ay isang Project Administrator sa Paris. Mula ng mamatay ang kanyang mga magulang at isang kapatid sa isang aksidente sa araw ng Pasko siyam na taon na ang nakakakaan ay kinuha na sya ng kanyang tiyahin sa Paris para doon na manirahan.
Bago sumakay muli ng kanyang kotse ay napansin ni Justin ang pasaporte ng dalaga na nahulog sa harap ng kanyang sasakyan. Agad nyang hinabol ang dalaga at nakita nya ito sa isang cafeteria sa di kalayuan. Pumasok si Justin ng cafeteria at umupo ito sa harap ng dalaga. Nagulat ang dalaga ng makita nya ang binata.
“Oh te! Inggit na inggit ka talaga sa beauty ko noh? Bakit mo ko sinusundan? Papa make-up ka?“, pang-aasar ni Ashley sa binata.
Nginitian nya lang ang dalaga at ipinakita ang pasaporte na napulot nya. Nagulat ang dalaga at agad na hinablot ang pasaporte na hawak ng binata .Lubos ang pasasalamat ng dalaga kay Justin. Matapos noon ay tumayo narin ang binata at naglakad papalabas ng cafeteria. Ngunit hinabol sya ni Ashley.
“Bilis mo Kuya maglakad ah! Hmm Kuya pasensya kana ah. Ikaw kasi eh.. Daig mo pa ang babaeng may period sa kasungitan mo. Bago lang ako dito sa Paris and wah pa ko alam sa traffic rules..Kaya nangyari yun..And Kuya super need ko talaga ng help mo. Makikipagkita kasi ako bukas sa sister ko here sa Paris. Yah know! Napaaga yata ko ng dating. Nag checked in ako sa isang apartment apartelle. And today I’m planning na maglibot sana. Eh sa sobrang excited ko… Na locked ko yung door ng room ko. Ang yung worst thing eh naiwan ko sa loob yung key and my phone. Eh dahil nga Christmas day ngayon. Wala doon yung owner nung apartelle. Mamayang gabi pa raw ang dating. So hindi ko makukuha ang duplicate. Poor me. I don’t want naman na mag tour alone.”,salaysay ni Ashley sa binata.
Tumawa nalang si Justin ng marinig ang salaysay ni Ashley. “So. What do you want me to do now?”, tanong ni Justin sa kanya.
“Hmm..Sa kisig at gwapo mo kuya.. Eh nakakahiya mang sabihin to..and Christmas day pa.. But.. Can you be my tour guide? Ill pay for your service. Promise! Nandun kasi yung number ng hinire kong tour guide sa CP ko..Hindi ko memorize yun and I’m 100% sure ring ng ring na yung phone ko ngayon at tinatawagan nya na ko. ”, paki-usap ni Ashley sa binata.
Hindi nag alangan ang binata na tulungan si Ashley ng mga oras na iyon at maging tour guide nito. Pabiro na sinabi ng binata na mahal ang oras nya. Habang nasa loob ng kotse ay naitanong ni Ashley kay Justin kung bakit nasa labas sya ng mga oras na iyon. Isinalaysay ni Justin ang lahat na mapapait na nangyari sa buhay nya sa Pilipinas. Kaya naman isinumpa nya na ang araw ng Pasko, tinutukan nya ang kanyang trabaho, hindi na sya nagkaroon ng nobya at ginawa na nyang komplikado ang kanyang buhay. Ang nais nya lang ay maging abala parati upang makalimutan ang mga mapapait na nangyari sa buhay nya at isa narin doon ang desisyon nyang wag nang balikan ang Pilipinas. Nagulat si Ashley sa ikinuwento sa kanya ng binata. Halos hindi nagkakalayo ang kwento nila sa buhay dahil naiba narin ang tingin nya sa mga lalaki mula noon dahil sa mga panloloko sa kanya ng mga nakaraan nyang mga nobyo at para sa kanya ay ang nobyo nya lang na pumanaw ang perpektong lalaki na nakilala nya at wala ng papantay doon.
Sa kanilang pagsasama ng mga oras na iyon ay may ibang naramdam na saya ang dalawa. Saya na hindi naramdaman ni Justin sa siyam na taon nyang pananatili sa Pransya. Ganun din ang dalaga. Dinala nya si Ashley sa Notre Dame Cathedral, kumain sa labas, nanood ng sine, nag shopping at nagpapicture sa Eifel Tower. Halos pinipigil ni Justin ang nararamdaman nya ng mga oras na iyon para sa dalaga. Naging masaya sila ng buong araw na iyon. Halos hindi rin nila namalayan ang oras. Hanggang sa nagpag isipan na ng dalawa na umuwi. Hinatid ni Justin ang dalaga sa apartelle na tinutuluyan nito. Bago bumaba ng kotse ay inabot ni Ashley ang isang sobre na may laman na pera kay Justin.
“Mukha ba kong bayaran? Hindi ko kailangan ng barya. Hindi ako pulubi. Bumaba kana!”, pasigaw na sinabi ni Justin sa dalaga. Nainsulto ang binata ng iabot sa kanya ang sobre na may laman na pera.
“Kelan ba last day ng period mo? Akala ko okay na tayo! I thought serious ka kanina nung sinabi mo sakin na mahal ang oras mo! That’s why binabayaran kita ngayon. Sorry kung na offend kita. Uto-uto kasi ako. Sana minsan.. Maisip mo..Masyadong maikli ang buhay para magsunget at gawing komplikado ang buhay mo. Sana napasaya kita kahit saglit.. Kahit mukhang pangit ang ending ng araw na to for two of us. " sabay buntong hininga ng dalaga.
"Okay narin na hindi ko tinanong name mo. Ayaw ko lang maisip na may lalaki pala sa mundo na tulad mo. Oh sya.. I have to go now.. Mukhang nandyan na yung owner ng apartelle. Enjoy life Sir. Salamat sa effort and time.”, sabay binuksan ni Ashley ang pinto ng kotse at bumaba.
Samantalang si Justin ay napaluha nalang sa loob ng kanyang kotse ng mga oras na iyon. Hindi nya maitanggi sa sarali na sa isang araw na iyon ay naranasan nyang masarap paring mabuhay at nalaman nyang hindi pa pagod ang puso nya para magmahal.
Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Bumalik na ulit sa mundo na ginagalawan si Justin at ganun din si Ashley.
Isang araw ay nakatanggap ng tawag si Justin mula sa pinsan nya sa Maynila. Naki-usap ito sa kanya na umuwi ng Maynila para pamahalaan ang kanyang negosyo ng panandalian dahil may pupuntahan itong kliyente sa Amerika at magtatagal sya ng isang buwan. Walang ibang pwedeng mapagkatiwalaan ang pinsan nyang ito na ibang tao kundi sya lang dahil ang mga magulang rin ni Justin ang tumulong upang maitayo ang kumpanya na iyon. Walang nagawa si Justin kundi ang umuwi ng Pilipinas kahit labag sa kalooban.
Mag gagabi na ng dumating si Justin sa Maynila. Pagkalabas ng Airport ay agad itong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay na tinutulyan ng pinsan nya sa Alabang. Bumalik ang mga mapapait na alaala sa isipan ni Justin habang tinatahak niya ang daan at napapaluha ito habang nakadungaw sa bintana ng taxi. Maya maya pa ay naka agaw sa kanya ng pansin ang isang Billboard. Isang babae ang nasa imahe. Nakasuot ng casual na damit. Napakunot sya ng noo ng mga oras na iyon. Pilit nyang inaalala kung saan nya nakita ang babae dahil namukhaan nya ito. Dahil sa bilis narin ng takbo ng taxi ay hindi na nya gaanong natignan ang nasa imahe at tumatak na lamang sa kanyang isipan ang itsura ng babae na nasa billboard na nakita nya.
Pagdating sa bahay ng kanyang pinsan sa Alabang ay agad itong nagbihis at dumerecho na ng kumpanya ng kanyang pinsan sa Makati upang dumalo sa isang Welcome Party na inihanda para sa kanya.
Halos lahat ng mga modelo sa kumpanya at mga designers ay naroon ng mga oras na iyon. Bago pa man sya lumabas ng entablado ay isang pamilyar na boses ang narinig nya. Ang boses ng hostess ng programang iyon. “Ladies and gentlemen.. Let's give a big round of applause to Mr. Justin Samonte.”
Pagkalabas nya ay agad syang natulala ng makita ang hostess ng Welcome Party. Si Ashley. Ang babaeng nakilala nya sa Paris dalawang taon na ang nakakaraan. Natulala rin si Ashley ng mga oras na iyon ng makita nya ang binata. Si Ashley ang nakita ni Justin sa billboard at isa sa mga modelo ng kumpanya ng kanyang pinsan. Hindi alam ni Ashley ang gagawin ng mga oras na iyon. Dahil sa kaba at pagka-ilang sa binata ay ibinigay nya ang mikropono sa host na kasama nya at tumakbo ng nakayuko palabas ng entablado. Napigilan ni Justin ang nararamdaman nya ng mga oras na iyon. Nagpakilala sya sa mga modelo at sa mga nagtratrabaho sa kumpanya at inilahad nya ang mga proyekto sa isang buwan na mamamalagi sya. Buong puso naman syang tinanggap ng lahat.
Matapos noon ay muling nagkita ang dalawa sa likod ng entablado at ang buong management ng kumpanya.
Nilapitan nya si Ashley at tumayo sa harap nito at malakas ng sinabi, “Ayaw kong makatrabaho ang babaeng ito.”
Nagulat at natahimik ang buong management at ang lahat ng nasa kwarto ng oras na iyon at nabaling ang pansin sa dalawa.
“Ano bang ginawa ko sayo para magalit ka ng ganito sakin ha?! Paki explain mo nga Mr. Samonte! Hanggang ngayon ba hindi parin tapos ang period mo? Gosh! Kung ganyan din kabastos ang makakatrabaho ko eh mas mabuting mag leave na muna ko. Ayoko ng complicated environment! I have to go. Pasensya na guys”, umiiyak na lumabas si Ashley sa conference room.
Dahil sa nangyari ay hindi narin nagtagal at umalis narin si Justin at nagpaalam sa management. Dala narin ng pagod ay napagisipan narin nitong umuwi. Malakas ang ulan ng mga oras na iyon. Habang tinatahak nya ang daan papunta ng highway ay may nakita syang babae na naglalakad sa gilid ng kalsada. Wala itong payong at naliligo sa ulan. Bumaba sya ng sasakyan at nagdala ng payong. Nilapitan nya ang babaeng naglalakad sa ulan. Nabigla sya ng makita na si Ashley pala ang babaeng iyon.Nang makita nya ang binata ay tumakbo ito ng mabilis. Sinundan at hinabol sya ng binata.
“Ganyan kaba kaduwag para lagi mo akong takasan?!”, wika ng binata sa dalaga.
Hinawakan nya ng mahigpit sa braso ang dalaga at pinilit na pinasasama sa kanya.
“Sumakay ka ng sasakyan!”
Napilitan na sumakay ang dalaga sa kotse ni Justin. Nasira at ayaw mag start ang kotse ni Ashley kaya napilitan itong maglakad papuntang highway at doon sana sasakay ng taxi.
Habang nasa loob ng kotse ni Justin ang dalaga ay agad hinubad ni Justin ang kanyang coat at ibinigay nya dito. Binigyan nya rin ito ng panyo at hininaan ang aircon ng sasakyan upang hindi lamigin ang dalaga. Napaluha nalang si Ashley ng mga oras na iyon habang walang imik naman si Justin habang nagmamaneho. Dahil sa nakaidlip ng mabilis ang dalaga ay walang ibang nagawa si Justin kundi iuwi nalang ito sa kanilang bahay sa Alabang at doon na muna patuluyin. Ngunit laking gulat ni Justin ng makarating na sila sa bahay nya. Papasok palang ng gate ng bahay ay ginising na nya ang dalaga. Naalimpungatan si Ashley at nagmasid sa paligid pagkagising.
“Papano mo nalaman kung saan ako nakatira ha?!”, pasungit na tinanong ni Ashley sa binata.
Nasurpresa si Justin ng sabihin nito sa kanya na ang tapat ng bahay ng pinsan ni Justin ay bahay ni Ashley. Napangiti nalang ang binata ng oras na iyon dahil hindi nya inaakalang magiging kapitbahay nya pa ito. Nagpasalamat si Ashley kay Justin sa paghatid nito sa kanya. Agad narin pumasok si Ashley sa bahay nya. Samantalang bago pa man bumaba si Justin ng kanyang kotse ay napansin nya ang naiwan na transparent envelope na dala ni Ashley sa inupuan nito ng sumakay ito ng sasakyan nya. Nabasa nya agad ang laman ng envelope. Isang pangalan ng hospital ang nasa taas ng papel. Naroon din ang buong pangalan ni Ashley at ang iba pang detalye na naglalahad na sya ay may malubhang sakit at binibigyan na sya ng maikling taning para mabuhay. Nabitawan ni Justin ang Medical Certificate na nabasa nya dahil sa pagkabigla. Natulala at pumatak ang mga luha sa mata nya. Hindi nya man maamin sa sarili nya na sya ay nagmamahal pero iyon ang nararamdaman nya para sa dalaga. Masama ang ipinapakita nya sa halos nakararami dahil ayaw nyang may magmahal sa kanya at ayaw nya na ring magmahal. Ngunit ng mga oras na iyon ay ang kinakatakutan nyang bagay ang dumating sa kanya. Napamahal na si Ashley sa kanya mula ng una nya palang itong makita. Galit sa sarili ang naramdaman nya ng mga oras na iyon. Hindi sya pinatulog ng poot sa sarili nya. Takot ang naramdaman nya at pagkabalisa. Takot na magmahal muli at takot na mawala na naman sa buhay nya ang taong minamahal nya.
Kinabukasan ay maaga syang kinatok ng dalaga. Dali dali syang bumaba at hinarap ang dalaga. Hinanap nito sa kanya ang Medical Envelope na naiwan nya sa kotse. Nagkunwaring walang alam si Justin. Binuksan nya ang kotse at hinayaan nyang si Ashley ang pumulot noon.
“Nakita mo ba to kagabi?”, tanong ni Ashley sa binata.
“Ah eh..Hindi ko alam yan. I mean.. Hindi ko nakita eh.”, pautal utal na sagot nya sa dalaga.
Ilang oras ang lumipas at hindi na nakapasok si Justin sa unang araw nya dapat ng pagtratrabaho sa kumpanya ng kanyang pinsan. Bago magtanghalian ay naka-isip ito ng paraan para humingi ng tawad at bumawi sa dalaga. Nagbihis ito at pumunta sa bahay ni Ashley. Agad naman syang pinagbuksan ng pinto ng dalaga.
Pagkabukas ng pinto ni Ashley ay nahihiyang ngumiti si Justin sa dalaga.
“Hmm naistorbo ba kita?” Tinitigan lang sya ni Ashley. “Uhmmm can I ask you a favor. 11 years na kasi akong hindi nakakabalik dito sa Maynila.. Eh alam mo na..Maraming nagbago..Hmmm Can you be my tour guide Ashley?”
Tumawa ng malakas ang dalaga, “Ikaw ba nang-aasar talaga Mr. Samonte?! I don’t have time for this joke! Mahal ang oras ko noh!”
Napangiti si Justin sa sinabi ni Ashley. Nagbalik lahat ng alaala mula noong una silang nagkita. Naki-usap ng husto si Justin sa dalaga hanggang sa napapayag nya ito. Sinamahan nya si Justin ng araw na iyon at naglibot sila sa Maynila. Dahil sa alam ni Ashley na lumaking mayaman si Justin ay napag isipan nitong ipinaranas sa kanya ang mga gawain ng mga natural na tao sa lipunan. Hindi sila gumamit ng kotse. Mula Alabang ay sumakay sila ng PNR train papuntang Divisoria. Pagdating sa Divisoria ay kumakin sila sa mga carinderia sa tabi tabi. Pinatikim nya si Justin ng fishball, kwek-kwek, adidas,bituka ng manok at kung ano ano pa. Nakipagsiksikan sila sa palengke, namili sila sa bangketa at tinuruan nya si Justin kung papaano tumawad. Nag video-oke sa tabing kalsada at marami pang iba. Kinagabihan ay dinala naman nya si Justin sa isang Comedy Bar.
Hindi man sabihin ng dalawa pero masaya sila na kasama ang isat-isa. Ipinakita sa kanya ni Ashley kung papaano maging masaya kahit sa simpleng pamamaraan lang.
“Hindi kailangan ng isang tao ang maraming pera para maging masaya. Diba? Its how you live..Ang mahalaga.. Mahal mo ang sarili mo at pahalagahan mo kung anong meron ka ngayon.. Try to appreciate things”, sabi ni Ashley sa binata habang naglalakad pauwi galing sa Comedy Bar na pinuntahan nila.
Ang araw na iyon ay isa sa pinakamasayang araw sa buhay ni Justin at ni Ashley. Mas masaya pa sa una nilang pagkikita. Natapos ang araw na iyon sa isang masayang pagtatapos. Hindi katulad ng una nilang pagkikita. Ang araw na iyon ang naging simula ng magandang pagkakaibigan ng dalawa.
Pinabalik ni Justin si Ashley sa kanyang trabaho. Naging maayos ang takbo ng lahat. Hindi mo makikita sa mukha ni Justin ang lungkot. Ganun din naman si Ashley na hindi mo makikitaan ng takot na maaaring sa isang iglap ay mawawala na sya. Hindi nya ito pinaparamdam kahit kanino man. Dumaan ang mga araw at lalong naging maganda ang samahan ng dalawa. Hindi man maamin ng dalawa pero ramdam na ramdam nila ang pagmamahal sa isat isa. Pareho silang biktima ng hindi magandang nakaraan at pareho rin silang nagpaapekto sa takot na magmamahal muli.
Bihirang maisip ni Justin na maaaring mawala sa kanya si Ashley sa darating na panahon. Ayaw nyang isipin yun. Alam nya na ang kasiyahan na pinaparamdam nya sa dalaga ang magpapalakas ng loob nito upang lumaban at piliting mabuhay pa.
Dumaan pa ang mga araw. Laging tinutukso ang dalawa ng kanilang mga katrabaho sa kumpanya. Patuloy ang mga projects na nakalaan para kay Ashley at natuloy rin ang isang fashion event ng kumpanya na pinagtulungan nilang dalawa. Naging maayos ang pamumuno ni Justin sa panandalian nyang pananatili sa kumpanya at napamahal narin sa kanya ang mga katrabaho.
Isang gabi ay niyaya ni Justin si Ashley para kumain sa labas at para sabihin nya narin ang tunay na nararamdaman nya para sa dalaga. Sumakay sila ng kotse nya at nagmaneho ito papunta sa Makati.
Habang nasa byahe ay sumandal si Ashley sa upuan ng kotse at napapikit. May sinabi ito sa binata.
“Alam mo Justin? I feel so lucky dahil nakilala kita. I never thought na magkakasundo tayo. Bihira kasi ako makipag friendship sa lalaki. Hmm meron naman din dati.. Pero yung guy na may boobs”, sabay tawa na malakas ni Ashley.
“Diba mas masarap mabuhay pag laging masaya? I understand how you feel Justin. Mahirap mawalan ng pamilya at mahal sa buhay..Pero do you think magiging happy ang family mo na makita ka na very complicated ang life mo ngayon dito sa mundo? Of course not! So don’t forget to smile..Just enjoy life.. Maraming nagmamahal sayo Justin ;) Madali ka namang mahalin at alam ko na masarap kang mahalin.”
Pumatak ang mga luha sa mata ni Ashley ng mga oras na iyon habang nakapikit.
“Basta ko Ash.. Mas maswerte akong nakilala kita.. Ang tagal kong nakulong sa pagkamuhi at takot.. You’re right.. Masarap mabuhay.. Thank you for everything. Thanks for making me happy and thanks sa pag iintindi mo sakin.. Thanks for being there for me.. I don’t wanna lose you Ash.. Dont be so selfish ha! Maraming ring nagmamahal sayo.. Please fight.. Dont leave them”, dahan dahan na tumulo ang mga luha sa mata ni Justin ng mga oras na iyon habang kinakausap si Ashley habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.
“Oo..Aaminin ko..Nagsinungaling ako.. Alam ko na yung totoo tungkol sa dinadala mong sakit.. Isang beses lang ako nagsinungaling Ash.. But this time.. I don’t wanna tell a lie anymore.. Magsasabi na ko lagi ng totoo sayo.. Ash.. Mahal na mahal kita.. And that’s the truth..”, liningon ni Justin ang katabi nyang si Ashley habang nagmamaneho ng kotse.
Nakasandal si Ashley sa gilid ng sasakyan at nakapikit. Napansin ng binata ang luha sa pisngi ng dalaga.
“Ash.. Gising kana.. Malapit na tayo sa restau..”, tinapik nya ang dalaga sa binti nito..
“Ash?? Ash?? Gising na..”, tinapik ni Justin ang dalaga sa balikat..
“Ash!!! Ash!!! Please! Ang daya mo naman eh! Wala namang ganyanan! Malapit na tayo oh.. I have a surprise for you Ash”.. tinatapik nya ang dalaga sa binti habang tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.
Hininto ni Justin ang kotse at niyakap nya ng mahigpit ang dalaga na wala ng buhay. Bumuhos ang luha ni Justin ng mga oras na iyon habang sinisigaw ang pangalan ng Ashley.
“Im sorry Ashley. Mahal na mahal kita.”
No comments:
Post a Comment